Wednesday, June 9, 2010

likha ni voltaire "kwarenta y tres"

manggagamot, nag aaral manggamot

bukang liwayway umpisa ng magandang araw
ngunit ito palay kabaligtaran
sa kabila ng matahimik na umaga
mga matang naliliksik, mga ibat ibang kalibre baril
mga tila mababangis na hayop na nag iintay ng kanilang mabibiktima
na ang liwanag ang mag huhudyat ng kanilang pag atake
sa pag hawi ng kadiliman mga nagkukumahog na sinugod ang kanilang biktima

mga sigaw ang umalingawngaw....dapa! pada! dapa!
mga tila asong pasinghal na nagmamadaling nag halughog
tila alam na nila ang kanilang makukuha
bomba!mga materyales sa pagawa ng pampasabog
mga baril at ilang ilegal na kagamitan
pagtataka ng mga biktima at pilit na pag tanggi
at ang mga namutawing salita "hindi sa amin yan"

tinutukan ng baril, sinigawan, pinadapa, pinosasan ang ibay sinaktan
malupit sila,sila naka uniporme ng berde at asul
nasa ating pagkakakilanlan ay mga sundalo't pulis ng pilipinas
sila na dapat ay nagtatanggol sa mamamayang pilipino
sila na dapat ay pumuprotekta sa mamamayang pilipino
nag dilim ang aming paningin sa pagkakasubsob sa lupa
ang inaasahang magtatanggol ngayon sa amin ay sumisikil
kay lupit ng tadhana kay lupit ng estado

isa isang sinakay sasakyan habang mga nakaumang sa mga mukha ang mga baril
na isang pagkakamali ng my hawak ng gatilyo isa sa aming buhay ay mawawala
ang ibay takot na takot ang ibay namay ginigiit ang karapatang pantao
ngunit silay malupit tilay mga bingi na walang naririnig
tila mga bulag na walang nakikita

piniit sa kampo ng militar sa halip na sa kulungan
itinago sa media sa pamilya at mga kasama
pinaghiwahiwalay, tinakpan ang mga mata
tinuring na mga kriminal

suntok sa tadyang at sa ibat ibang bahagi ng katawan
pinilipit ang kamay,ang ari ay hinawkan
mga baboy! mga baboy kayo pag hihinagpis ng kalooban
tinakot, pati pamilya'y pinag bantaan
mga sanggol at musmos na bata ay dinamay

pinapaamin sa mga kasalanang hindi ginawa
nasaan?nasaan ang hustisya sa bayang ito?
mga tanong na pulit ulit na kumikintal sa isapan ng bawat isa
samin pagkakaalam ay wala kaming ginagwang masama
samin pagkakaalam ay hindi masamang makapag aral at magturong manggamot
samin pagkakaalam ay ginagawa namin ito para sa sambayanan

hindi mabilang, hindi mabilang ang paglabag sa karapatang pantao ang naransan
hindi mabilang ang mura at pang aalipusta
masakit sa damdamin, at sa katawan ang kanilang ginawa
walang katarungan, walang karapatan
nilayo sa pamilya at mga kasama
walang kalayaan
ngayon ay nagdudrusa sa mga ksasalanang hindi ginawa

sinasangkot sa kung anu anong krimen
kinasuhan ng walang batayan
maigiit lamang na tama ang kanilang ginawa
maipakita sa sambayanan kung gaano sila kalakas at kalupit

ngunit sakabila ng lahat
mga kanta,tula mga inukit na bagay ang mga nalikha
pinapakita hindi nabuwal ang paninindigan
hindi natinag ang prisipyong tangan
hinding hindi dahil kami ay tama ,kami ay mananatiling maglilingkod sa sambayanan
kami na pinagkaitan ng kalayaan ay lalaban sa kahit sa anong paraan para sa
aming karapatan at sa sambayanan
kaming kwarenta y tres!

KALAYAAN PARA SA KWARENTA Y TRES NA MGA MANGGAGAMOT!

3 comments:

  1. ganda nito,...napaiyak tlga q...ito ang realidad

    ReplyDelete
  2. malupit cla na naka berde at asul......

    ReplyDelete
  3. i lyk it..
    let them realize the reality..
    nloka lang ako..
    nkakatouch^^

    ReplyDelete