Paa, tsinelas, sapatos ako’y naglalakbay
Paa, tsinelas, sapatos ako’y naglalakbay
Sa lansangan naglakad
Sa kapaligiran ay nagmasid
Sa mga bagay-bagay namangha
Sa mga pangyayari nagulat
Ano itong mga nakikita
Mga hindi karaniwan sa isang bansa
Kriminalidad ay laganap
Alingawngaw ng putok ng baril
Mga sigaw ng mamamayan
Mga kumukulong sikmura
Mga ingay nakabubulahaw
Mga tunog na humuhukay sa kalooban
Nakakabaliw, nakakabaliw
Maging ang gobyerno ay ‘di maipaliwanag
Mga tunog na sumisira sa mamamayan
Sila pala ang sanhi na dumadagundong
Na mga ingay sa bansa
Masakit na paa, tsinelas, sapatos ko’y pudpod na
Masakit na paa, tsinelas, sapatos ko’y pudpod na
Ako’y naguguluhan sa haba ng paglalakbay
Kasagutan ay ‘di pa malaman laman
Ako ba’y hihinto para maisalba ang pudpod na sapatos
Ako ba’y tatayo na lang para hindi mapatid ang tsinelas
At kalimutan na lang ang sagot sa mga katanungan
Tsinelas, sapatos ay naglipana
Mga alok galling sa iba’t ibang nilikha
Sa ngayong kalagayan
Tsinelas at sapatos na matibay
Kahit ito’y luma basta’t hinubog na ng karanasan
Mga tsinelas at sapatos nagamit na ng manlalakbay
At gagamitin pa ng tulad kong manlalakbay.
ganda nito ah!!
ReplyDelete