Tuesday, June 8, 2010

likha ni voltaire "pulang tsinelas"

kasama sa tunggalian sa pakikibaka
sa lahat ng labanan ay kasama
maliban sa gitna ng araneta
sumuporta at naging katuwang
sa lahat ng pagsubok na dinaanan
ang ibat ibang uri sa lipunan ay nakinabang
ngunit mas nakasanib sa masang pinagsasamantalahan

may mga kumilala
may mga bumasura
may mga bumandila
may mga sumikil

sa pag lipas ng panahon patuloy ang pamamayagpag
sumibol ang bagong uri
ngunit ang pakinabangan ay nanatili
sa lansangan ay nakasama

pulang bandila ay winagayway
nabasa, napalo, nabato at natapakan
nawisikan ng dugo ng mga kasama
karahasan ng estado ay nadama

sa putok ng baril ay hindi natinag
mapa mendiola at hacienda luisita ay kasama
kasamang nakahandusay ng martir na nakibaka
para sa karapatan at katarungan

nakabakas na sa itsura
ang hirap na dinanas
may mga nawala at naglaho
may mga bumigay sa hirap ng buhay

ang ilan ay matatag, nanatili sa tamang landas
patuloy nag lakad sa sementadong daan
ang ibay tumapak sa lupa
mga pulang tsinelas ay nag armas!

1 comment: