Monday, June 28, 2010

likha ni Ben "makibaka""

“MAKIKIBAKA AKO"

makikibaka ako
kung ang iba ay nabibingibingihan
kung ang iba ay nagbubulagbulagan
kung ang iba ay nagwawalang bahala
makikibaka ako

makikibaka ako
sa kabila ng takot na aking nararamdaman
sa kabila ng dinudukot ang aking mga kasamahan
kahit ang kinabibilangan kung hanay ay pinapaslang
makikibaka ako!

makikibaka ako
para sa aking mahal na pamilya
para sa aking mga kaibigan
para sa bayan!
makikibaka ako!

makikibaka ako
hangga't may naghahari-harian
hangga't may uring pinagsasamantalahan
hangga't kaya kung lumaban
kitlin man nila aking buhay!.
mananatili akong nakikibaka
makikibaka ako para sa sambayanang api.!!

Wednesday, June 23, 2010

likha ni voltaire (acrylic on canvass) "untitled 2"

likha ni voltaire "ako ba ay luluha?"

Hunyo 12, 2010
akoy ba ay luluha?

pinili ang landas na hindi tanggap ng lipunan
pinili ang lumaban hanggang sa kamatayan
inalay ang sarili para sa bayan
mga punglo na tumama na nagwakas ng buhay

mga ibat ibang tawag sa ibat ibang lugar
upang ikubli ang tunay nakatauhan
para sa iyong pamilyang pinangangalagaan
handang kalimutan ang kinalakihan
para sa sambayanang pinag sisilbihan


akoy ba ay luluha?

ikaw na nagbigay ng lakas at tapang sa iba
tumulong hanggang sa makakaya
ngayon ay nakabuwal dahil sa kamatayan
katawan ngayo'y nakahandusay
ngunit iyong paninidigan ay nakabakas
sa puso ng masa at mga kasama

ako ba ay luluha?

oo akoy luluha!
hindi dahil sa kawalan ng pag asa
hindi dahil sa katawan mong pumanaw

ako ay luluha!
dahil nabawasan ang magtatangol sa sambayanan!
at sa aking pag luha papahiran ko ito ng aking kamao
at isisigaw....

TULOY ANG LABAN!!!

Friday, June 11, 2010

likha ni voltaire "huwad na kalayaan"


sila'y nanatili sa loob ng silid, rehas ang kanilang pintuan at bintana
mga guwardiyang bantay na ligayay sila'y makita sa loob ng piitang hawla
milyong pisong paghahanda para sa araw ng kalayaan na tinakda ng dayuhan,
abalang abala ang goberyno sa kalayaan nilang tinatamasa
kalayaang mangurakot, kalayaang pumatay
kalayaang magsamantala, kalayaang pumatay ng kalayaan ng sambayanan
inyong ipagdiwang ang HUWAD NA KALAYAAN
habang ang samabayanan ay nag iipon ng lakas para makamit ang tunay at wagas na KALAYAAN..

Thursday, June 10, 2010

Wednesday, June 9, 2010

likha ni voltaire "kwarenta y tres"

manggagamot, nag aaral manggamot

bukang liwayway umpisa ng magandang araw
ngunit ito palay kabaligtaran
sa kabila ng matahimik na umaga
mga matang naliliksik, mga ibat ibang kalibre baril
mga tila mababangis na hayop na nag iintay ng kanilang mabibiktima
na ang liwanag ang mag huhudyat ng kanilang pag atake
sa pag hawi ng kadiliman mga nagkukumahog na sinugod ang kanilang biktima

mga sigaw ang umalingawngaw....dapa! pada! dapa!
mga tila asong pasinghal na nagmamadaling nag halughog
tila alam na nila ang kanilang makukuha
bomba!mga materyales sa pagawa ng pampasabog
mga baril at ilang ilegal na kagamitan
pagtataka ng mga biktima at pilit na pag tanggi
at ang mga namutawing salita "hindi sa amin yan"

tinutukan ng baril, sinigawan, pinadapa, pinosasan ang ibay sinaktan
malupit sila,sila naka uniporme ng berde at asul
nasa ating pagkakakilanlan ay mga sundalo't pulis ng pilipinas
sila na dapat ay nagtatanggol sa mamamayang pilipino
sila na dapat ay pumuprotekta sa mamamayang pilipino
nag dilim ang aming paningin sa pagkakasubsob sa lupa
ang inaasahang magtatanggol ngayon sa amin ay sumisikil
kay lupit ng tadhana kay lupit ng estado

isa isang sinakay sasakyan habang mga nakaumang sa mga mukha ang mga baril
na isang pagkakamali ng my hawak ng gatilyo isa sa aming buhay ay mawawala
ang ibay takot na takot ang ibay namay ginigiit ang karapatang pantao
ngunit silay malupit tilay mga bingi na walang naririnig
tila mga bulag na walang nakikita

piniit sa kampo ng militar sa halip na sa kulungan
itinago sa media sa pamilya at mga kasama
pinaghiwahiwalay, tinakpan ang mga mata
tinuring na mga kriminal

suntok sa tadyang at sa ibat ibang bahagi ng katawan
pinilipit ang kamay,ang ari ay hinawkan
mga baboy! mga baboy kayo pag hihinagpis ng kalooban
tinakot, pati pamilya'y pinag bantaan
mga sanggol at musmos na bata ay dinamay

pinapaamin sa mga kasalanang hindi ginawa
nasaan?nasaan ang hustisya sa bayang ito?
mga tanong na pulit ulit na kumikintal sa isapan ng bawat isa
samin pagkakaalam ay wala kaming ginagwang masama
samin pagkakaalam ay hindi masamang makapag aral at magturong manggamot
samin pagkakaalam ay ginagawa namin ito para sa sambayanan

hindi mabilang, hindi mabilang ang paglabag sa karapatang pantao ang naransan
hindi mabilang ang mura at pang aalipusta
masakit sa damdamin, at sa katawan ang kanilang ginawa
walang katarungan, walang karapatan
nilayo sa pamilya at mga kasama
walang kalayaan
ngayon ay nagdudrusa sa mga ksasalanang hindi ginawa

sinasangkot sa kung anu anong krimen
kinasuhan ng walang batayan
maigiit lamang na tama ang kanilang ginawa
maipakita sa sambayanan kung gaano sila kalakas at kalupit

ngunit sakabila ng lahat
mga kanta,tula mga inukit na bagay ang mga nalikha
pinapakita hindi nabuwal ang paninindigan
hindi natinag ang prisipyong tangan
hinding hindi dahil kami ay tama ,kami ay mananatiling maglilingkod sa sambayanan
kami na pinagkaitan ng kalayaan ay lalaban sa kahit sa anong paraan para sa
aming karapatan at sa sambayanan
kaming kwarenta y tres!

KALAYAAN PARA SA KWARENTA Y TRES NA MGA MANGGAGAMOT!

kuha ni jaime "youth maoist"

likha ni clyejon "PAGLUHA"

Sa unang pagkakita sainyo
ay walang pagsidlan ang tuwa
Ngunit sa likod nito ay
may diwa ng pagluha

Sa inyong pagsasadula
bumuhos ang aming luha
Luha ng galit at pagkaawa

Ngunit sa pagkakapiit ninyo
na aming ikinabigla!
Kami ay hindi nanghina
at sa katatagan ninyo
labis ang paghanga

Kaming kabataan
init sa lansangan ay
hindi alintana,maipaabot lamang
ang aming panawagan!
"IPAWALANG SALA,MANGGAGAWANG PANGKALUSUGAN!"

Sila ay biktima lamang
sa kasarinlan
ng pasistang gobyerno
na walang ibang alam
kundi ang mang-api at
hindi ang maglingkod sa BAYAN!

Sa pagdaraan ng araw
hangad namin inyong kalayaan!

At sa muli kung pagluha
tiyak iyon ay kagalakan
Sapagkat ating mithing
paglaya ay inyo ng MAKAKAMTAN!!!

Tuesday, June 8, 2010

likha ni voltaire "tatlong opsyon (option)"

tatlong opsyon(option)......
ng mamamayan.......
na binigay ng bulok na sistema........

"una"
manahimik sa kabila ng kahirapan
mag sa walang kibo sa mga patayan
pumikit sa mga paglabag sa karapatan
maging bingi sa mga hiyaw ng katarungan
isipan lang sarili,mag aral, mag-trabaho
makiisa sa pagpatay
sumama sa paglabag karapatan
maging sunod sunuran sa nagsasamantala
mag sa walang kibo sa kurapsyon
magkamal ng ganansya sa bulok na estado!

"ikalawa"
makibaka wag matakot,
tahakin ang parlyamentong pakikibaka
mag sakripisyo sa init at layo ng lalakarin
mag-aral, mag organisa at magpakios
sumigaw sa langsangan
gumawa ng plakard mag mulat sa mamamayan
tuligsain ang bulok na sistema
sa kabila ng pangigipit at pandarahas!

"ikatlo"
mag armas, mag sakripisyo
tahakin ang armadong pakikibaka
harapin ang hirap ng buhay sa kabundukan
ialay ang buhay para sa sambayanan
lumaban ng buong katatagan para sa paglaya ng bayan
tuligsain ang estado, putulin ang kapangyarihan
itatag ang lipunnang malaya
itayo ang gubyernong bayan!

likha ni voltaire "pulang tsinelas"

kasama sa tunggalian sa pakikibaka
sa lahat ng labanan ay kasama
maliban sa gitna ng araneta
sumuporta at naging katuwang
sa lahat ng pagsubok na dinaanan
ang ibat ibang uri sa lipunan ay nakinabang
ngunit mas nakasanib sa masang pinagsasamantalahan

may mga kumilala
may mga bumasura
may mga bumandila
may mga sumikil

sa pag lipas ng panahon patuloy ang pamamayagpag
sumibol ang bagong uri
ngunit ang pakinabangan ay nanatili
sa lansangan ay nakasama

pulang bandila ay winagayway
nabasa, napalo, nabato at natapakan
nawisikan ng dugo ng mga kasama
karahasan ng estado ay nadama

sa putok ng baril ay hindi natinag
mapa mendiola at hacienda luisita ay kasama
kasamang nakahandusay ng martir na nakibaka
para sa karapatan at katarungan

nakabakas na sa itsura
ang hirap na dinanas
may mga nawala at naglaho
may mga bumigay sa hirap ng buhay

ang ilan ay matatag, nanatili sa tamang landas
patuloy nag lakad sa sementadong daan
ang ibay tumapak sa lupa
mga pulang tsinelas ay nag armas!

Thursday, June 3, 2010

likha ni voltaire "paa, tsinelas, sapatos"


July 7th, 2006 by: voltaire

Paa, tsinelas, sapatos ako’y naglalakbay

Paa, tsinelas, sapatos ako’y naglalakbay

Sa lansangan naglakad

Sa kapaligiran ay nagmasid

Sa mga bagay-bagay namangha

Sa mga pangyayari nagulat

Ano itong mga nakikita

Mga hindi karaniwan sa isang bansa

Kriminalidad ay laganap

Alingawngaw ng putok ng baril

Mga sigaw ng mamamayan

Mga kumukulong sikmura

Mga ingay nakabubulahaw

Mga tunog na humuhukay sa kalooban

Nakakabaliw, nakakabaliw

Maging ang gobyerno ay ‘di maipaliwanag

Mga tunog na sumisira sa mamamayan

Sila pala ang sanhi na dumadagundong

Na mga ingay sa bansa

Masakit na paa, tsinelas, sapatos ko’y pudpod na

Masakit na paa, tsinelas, sapatos ko’y pudpod na

Ako’y naguguluhan sa haba ng paglalakbay

Kasagutan ay ‘di pa malaman laman

Ako ba’y hihinto para maisalba ang pudpod na sapatos

Ako ba’y tatayo na lang para hindi mapatid ang tsinelas

At kalimutan na lang ang sagot sa mga katanungan

Tsinelas, sapatos ay naglipana

Mga alok galling sa iba’t ibang nilikha

Sa ngayong kalagayan

Tsinelas at sapatos na matibay

Kahit ito’y luma basta’t hinubog na ng karanasan

Mga tsinelas at sapatos nagamit na ng manlalakbay

At gagamitin pa ng tulad kong manlalakbay.