Tuesday, October 5, 2010

likha ni art "5 misteryo, sa loob ng 100 araw na delubyo"

"Patawad sa inang maria"

( koro )

Sa ngalan ng Cojuanco, Aquino, lahat ng asendero,

sa basbas ng imperyalismo (BABAGSAK DIN KAYO)!

AMEN....

Narito ang 5 misteryo sa

loob ng 100 araw ng delubyo,

ng administrasyong Aquino.

Ang unag misteryo; Edukasyong negosyo

Aba ginoong Aquino,

kabataa'y nadisgrasya.

Pinakamalaking budget cut,

ay iniatas mo.

Lubos na pinagpala ang mga

kapitalista edukador,

na iyong pinaburan,

gawing negosyo ang aming sektor.

Sta maria humanda ka na!

ang mga kabataa'y itinutulak

mong mag-alsa.

Ngayo'y patuloy na lalakas ang

aming panawagan..

AMEN..

Ang ikalawang misteryo; Demolisyon de peste

Aba ginoong Aquino,

maralita'y kinawawa.

Sa ngalan ng mga Ayala,

winasak ang kanilang mga

dampa.

Lubos kayong pinagpapala

habang gutom ang maraming dukha.

Sa tapunan ng Montalban,

magsisilbi nilang libingan!

Sta maria gabayan mo sila.

Lalo pang patibayin ang

kanilang pakikibaka..

Ngayong sila ay namulat na,

at handa ng lumaban...

AMEN....

Ang ikatlong misteryo; Ang pagpapakatuta sa dayuhan..

Aba ginoong Aquino,punong-puno

ka ng grasya..

bilyong dolyar na pera,sa baya'y

iyong dala-dala.

Dayuhang negosyo ang tiyak

na makikinabang rito..

Kaiba sa iyong sinabi,na dadami

ang trabaho..

Sta maria ano ang kanyang ginagawa,

sa dayuhang pamumuhunan,

siya'y nangayupapa.

Sukdulang ipamigay ang yaman

ng bansa.

Sa huli ang taumbaya'y,

alipin parin ng dayuhan...

AMEN...

Ang ikaapat na misteryo; Repormang agraryo

Aba ginoong Aquino,malinaw na

ang tindig mo.

Ang malalaking hacindero ay nasa

likod mo..

Tunay na reporma sa lupa,

patuloy mong pinagkakanulo..

Kaya't heto ang magsasaka,

sa maynila nagkakampo..

Sta maria ginamit mo pa ang Diyos.

Paglakas ng hanay namin,

paghandaan mo ng lubos.

Sa malawak ng kanayunan,handa

na kaming lumaban..

Lupa'y babawiin,at muli pa'y magiging amin..

AMEN....

Ang ika limang misteryo; Pasismo ng estado..

Aba ginoong Aquino, madugo

ang mga palad mo.

Sa aming hanay 14 ang agad pinatay,

ng inyong mga halimaw na hukbong sandatahan...

Hulihan sa Mendiola,

batuhan sa North Edsa.

Ngunit pagresponde sa hostage area,

ang hukbo mo'y puros tanga!

Sta maria matakot ka na..

Ang iyong baya'y nag-iisip

ng humawak ng sandata.

5 taon mula ngayon,ika'y

aagawan ng kapangyarihan..

At ito'y ipagtatagumpay ng

buong SAMBAYANAN!

AMEN.....

( Balik sa koro )

1 comment: