Saturday, July 17, 2010

likha ni Eyli "DESAPORTYUR"

Ang iyong mga awit na inialay sa bayang sawi

Hindi kukupas, hindi maiwawaglit.

Patuloy naming sasabayan

Ang lirikong tanda ng paglaban

Sa kumpas ng iyong anghel na tinig

Sasaliw ang milyong pintig

Patungo sa pulang laban

Daan patungong kalayaan

Kung ngayon, sila’y nasasawi

Tayo’y sinisikil,

Dinurukot saka itinatabi

Sa mga kampo ng kaaway

Tayo’y sinasaktan ng walang humpay

Ang balat ay tinatalupan

Maging ang ating kahusayan

Kinukuryente hindi lang ang utak

Maging ang damdaming paglaban ang tatak

Ngunit sa iyong simpleng pag-awit

Humuhupa ang pagkayanig

Pagkalaon, tayo’y humuhuni

Tayo’y sumusulong nang muli

Pagkat ang labang ito ay hindi simple

Hindi payak tulad nilang mga buwitre

Ang ating digmaan,

Maraming tunggalian,

Kayraming pagluha’t paghihirap

Ang hindi pa natin natatahak

hindi ko man maitala sa isipan ang anyo ng kadakilaan.

Ang iyong tinig ay mamamayani pa rin sa puso ng marami.

kuha ni voltaire "KAMPUHAN"

likha ni clyejon "NAISIP MO NA BA?"

Naisip mo na ba kung bakit tayo naghihirap?
Naisip mo na ba kung bakit ganito
ang kalagayan ng marami pa?
Naisip mo na ba kung bakit may mga
MAPAGSAMANTALA?!
marahil ito'y dahil sa lipunan na may
bulok na sistema!...


Naisip mo na ba kung ano ang magagawa
ng tulad mong magsasaka na inagawan
ng LUPA at umaasa sa kakarampot na KITA?...


Naisip mo na ba na mamulat sa tunay na mukha
mayroon ang BAYAN mong dinadakila?!...
Naisip mo na ba na manindigan at ipaglaban
ang KARAPATAN hindi ang pang-habang buhay
na magsasawalang kibo na lamang!...


TAngan mo ang karit tinungo ang kalsada
at harap ng Hacienda,sumisigaw na
"IBALIK ANG AMING LUPA AT TAASAN ANG KITA!"
ng tulad kung magsasaka at gayundin ang manggagawa!...


Ngunit pagsigaw mo ay hindi sapat para makumbinsi
at dinggin ang kahilingan ng tulad mong magsasaka!
Naisip mo na ba na kailangan ng magpasya tungo sa
mas mataas na antas ng pakikibaka,magbuhis man ng
buhay para sa sarili at sa iba?at upang ang SAMBAYANAN
ay MAPALAYA na sa PANG-AABUSO at PAGSASAMANTALA!

likha ni raymond "MALIIT MAN SA PANINGIN"

maliit man sa paningin,
itong mumunting ginintuang butil ng palay
dapat pahalagahan sapagkat
ito'y nagbibigay buhay
sa mamamayang api hindi lamang sa pilipinas
kundi sa iba't ibang dako ng mundo.

maliit man sa paningin,
dapat ding pagtuunan ng pansin
ang tulad na lamang ng mga magsasakang
nagpapagal at nagpapakasakit para lamang may makain
kahit na ang katumbas ay pawis at dugo
na syang nagpapalago sa mumunting butil
ng ginintuang palay.

maliit man sa paningin,
malaki din ang pasanin
ng mga magsasakang api sapagkat
sinasakang lupa'y di pa rin pag-aari.
dahil na rin sa mga naghaharin-uri,
nagsasamantalang uri, pagpapalit gamit
sa lupang sinasaka at iba pang uri
ng pananamantala sa mga magsasakang api!

maliit man sa paningin,
ang mga magsasakang api may araw din
ng paniningil
sapagkat ang oras ay hiundi tumitigil
at patuloy ang paglipas ng panahon
bawat araw ay hindi pare-pareho
kundi laging may mababago
dahil malapit na
ang huling paghuhukom!